Site icon PULSE PH

ENHYPEN, Excited sa Coachella, Comeback Album, at PH Concert!

“Ayo, Bulacan scream!” At hindi binigo ng Filo ENGENEs! Umugong ang sigawan at hiyawan nang magtanghal ang K-pop powerhouse na ENHYPEN sa kanilang “Walk The Line World Tour” sa Philippine Sports Stadium noong Sabado, Marso 1.

Tatlong Major PH Concert na, Pero Parang Unang Beses Pa Rin

Ito na ang pangatlong beses na bumisita ang grupo sa bansa, at muli nilang pinatunayan kung bakit hindi nila malilimutan ang mainit na suporta ng kanilang Filipino fans. Habang papalubog ang araw, nagkulay-kahel ang kalangitan—tila sumasalamin sa enerhiya ng buong stadium na punong-puno ng umaalab na excitement.

Nagpasabog agad ang ENHYPEN sa kanilang Brought The Heat Back performance, kasabay ng fireworks at pyrotechnics na nagpaliyab sa entablado. Sinundan ito ng viral hit nilang Fever, bago nila opisyal na binati ang kanilang Filo ENGENEs—na bawat salitang Filipino mula sa kanila ay sinalubong ng matinding hiyawan.

“Grabe, ang galing talaga!” ani Jungwon, habang hinahangaan ang dagat ng ENGENE bongs na umiilaw sa buong stadium.

Hindi rin nagpahuli ang mga fans sa pagpapakitang-gilas! Nang subukan ni Heeseung ang vocal power ng crowd sa isang “yeah” run, todo bigay ang audience. “Woah, Philippines! You guys are the best!” sigaw ni Heeseung, sabay tango at thumbs up ng ibang members na sumang-ayon.

Exit mobile version