PULSE PH

Encantadia x McDonald’s: Limited-edition floats at Sang’gre Meal inilunsad!

Pinasok na rin ng McDonald’s ang mundo ng Encantadia matapos ilunsad ang mga espesyal na float at meal na inspired ng hit fantasy series ng GMA Network.

Bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa network, naglabas ang fast food chain ng apat na bagong McFloat flavors na kumakatawan sa mga pangunahing karakter ng spin-off na Sang’gre.

May sariling timpla ang bawat inumin: fruity at maasim ang kay Flamarra (Faith da Silva), matamis at sugary ang kay Deia (Angel Guardian), preskong malamig ang kay Adamus (Kelvin Miranda), at may citrus twist naman ang kay Terra (Bianca Umali).

Ayon kay Ada Lazaro, chief marketing officer ng McDonald’s Philippines, layunin ng kampanya na maghatid ng “feel-good moments” para sa mga customer habang ipinagdiriwang din ang yaman ng kulturang pop ng mga Pilipino.Bukod sa mga bagong float, may handog ding Sang’gre Meal na binubuo ng one-piece Chicken McDo at isang random limited-edition Sang’gre photocard—na tiyak na aabangan ng mga tagahanga ng serye.

Exit mobile version