Pormal nang naging Tropical Depression “Emong” ang low pressure area sa hilagang Luzon nitong Hulyo 23, kasabay ng paglakas ni “Dante” bilang tropical storm, ayon sa PAGASA.
Si Emong ay may hanging 45 kph at bugso na 55 kph habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 kph. Samantala, si Dante ay may 65 kph na hangin at bugso na 80 kph, at patuloy na papalapit sa extreme Northern Luzon.
Dahil sa malawakang pagbaha at pinsala ng habagat at mga bagyo, idineklara na ang state of calamity sa ilang lugar at sinuspinde ang klase at trabaho sa mahigit 30 probinsya.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na patuloy na magbantay sa mga opisyal na weather advisories.
