Maagang nawalan ng kasintahan si Elvis Gutierrez matapos ang pagpanaw ng kanyang asawang si Alexa Uichico-Gutierrez sa sakit na leukemia. Miss na miss na ng kapatid nina Ruffa, Raymond, at Richard Gutierrez ang kanyang mahal na misis na pumanaw noong Sabado, July 27, sa edad na 38.
Noong Enero ng 2024, nadiskubre ang sakit ni Alexa na acute lymphoblastic leukemia, isang uri ng cancer kung saan ang bone marrow ay gumagawa ng sobrang dami ng lymphocytes, isang klase ng white blood cell.
Kahapon, nag-post si Elvis sa kanyang Instagram ng larawan kasama si Alexa, kung saan hinalikan niya ito sa pisngi. Ang tanging caption? Isang white heart emoji.
Ngayong araw, July 29, ibinahagi ni Elvis ang isang lumang litrato ni Alexa, kuha sa loob ng isang kotse habang hawak nito ang manibela. Ayon kay Elvis, ito ang araw na tinuruan niyang magmaneho si Alexa. Sa caption, sinabi niyang, “You were 19 I was 22, this is the first day you learned how to drive. I wanted to capture how happy you were. You called me the best driving teacher. I miss you so much @alexaugutz.”
Si Ruffa Gutierrez naman ang unang nagbahagi ng balita sa social media, kalakip ang obituary ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Sinabi niyang, “I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am.”