Pinutol na ni Ellen Adarna ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Derek Ramsay.
Ayon kay Ellen, puro fake news lang ang mga lumalabas. Ipinaliwanag pa niya na nagkaroon lang ng glitch sa kanyang Instagram account, kaya lumabas na tila hindi na niya fina-follow si Derek. “Hindi ko siya in-unfollow, ever. Nalito rin ako kasi sa search, following ko siya, pero sa list ko wala. IG, ano ba talaga?” biro pa niya.
Matatandaang kamakailan lang, mismong si Derek ang nanawagan na tigilan na ang mga kasinungalingan laban sa pamilya nila matapos akusahang hindi tapat si Ellen. “Ellen is a loyal wife!” mariing pahayag ng aktor.