Site icon PULSE PH

Election Season Nagsimula Na! Luma at mga Bagong Mukha, Pinakilala Na!

Sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, nakita ang mga pamilyar na mukha—mga incumbent na naghahangad na muling mahalal at mga perennial candidates na minsang tinawag ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance.

Ayon sa Comelec, halos isang dosenang aspirante ang nag-file ng kanilang COC para sa Senado, habang ilang party-list representatives naman ang nagsumite ng Certificate of Nomination and Acceptance (Cona) sa Manila Hotel Tent City.

Tiniyak ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na maayos at tahimik ang paghahain sa Manila at ibang lugar sa bansa, kahit na medyo mabagal. “Normal lang ito para sa Day 1,” sabi niya.

Exit mobile version