Habang patuloy na nagpapagaling mula sa back injury, handa na si EJ Obiena na muling sumabak sa pinakamalaking laban ng taon: ang World Athletics Championships sa Tokyo sa Setyembre 13-15 at ang Atletang Ayala World Pole Vault Challenge sa Makati sa Setyembre 20-21.
Bumaba man sa world ranking mula No. 2 tungo sa No. 5, determinado ang 29-anyos na Pinoy pole vaulter na makabalik sa podium matapos ang kanyang silver finish (6.00 meters) sa Budapest Worlds noong 2023.
Mas doble ang motivation ni Obiena—hindi lang ang Tokyo, kundi ang pagkakataong ipakita ang kanyang talento sa harap ng lokal na fans sa isang natatanging street competition sa Ayala Triangle Gardens.
Inaasahang darating ang mga bigating vaulters gaya nina Austin Miller, Oleg Zernikel, at Matt Ludwig, at posibleng humabol pa ang world No. 1 na si Mondo Duplantis para dagdag-excitement.
Matagal nang may iniindang back issues si Obiena ngunit ayon sa mga malapit sa kanya, “hindi siya nagrereklamo at tahimik lang na lumalaban.” Ngayon, sabik siyang ipakita na kaya pa niyang lumipad—mas mataas, mas malakas, at sa sariling bayan.
EJ OBIENA, Sabik Ipamalas Muli Aang Galing sa Harap ng Kababayan!
