Site icon PULSE PH

EJ Obiena, Nakuha ang 3rd Place sa Lausanne Diamond League!

Pinoy pole vault star EJ Obiena nagwagi ng bronze sa Lausanne Diamond League, kasalo ang mga pole vaulters na sina Sondre Guttormsen ng Norway at Kurtis Marschall ng Australia matapos nilang maabot ang taas na 5.82m sa unang subok.

Ang Olympic champion na si Armand Duplantis ng Sweden ang nag-uwi ng ginto sa taas na 6.15m, habang si Sam Kendrick ng Estados Unidos ay pumangalawa sa 5.92m.

Kahit pa may iniindang injury sa likod mula pa noong Abril, pang-apat pa rin si Obiena sa 2024 Paris Olympic Games. Kinumpirma ng kanyang tagapayo at kaibigan na si Jim Lafferty na matagal na ang iniindang sakit ni EJ sa kanyang lower back na nagsimula pa noong dalawang taon na ang nakakalipas.

Exit mobile version