Site icon PULSE PH

Eala Pasok sa Round 2 ng Madrid Open!

Walang takot na tinapos ni Alex Eala ang unang round ng Madrid Open matapos talunin ang top player ng Bulgaria na si Victoriya Tomova, 6-3, 6-2.

Bagamat nadiskaril sa simula at nahuli ng 1-2 sa unang set, mabilis nakabawi si Eala at hindi na lumingon pa—tuloy-tuloy ang bagsik hanggang sa tuluyang tapusin ang laban.

Dahil sa panalong ito, naka-book na siya ng matinding second-round match kontra sa world No. 2 Iga Swiatek, na automatic pasok sa Round-of-64 bilang second seed ng torneo. Si Swiatek rin ang reigning champ ng Madrid Open.

Wildcard entry man si Eala, pinatunayan niyang hindi siya basta-basta—at handa siyang sumagupa sa isa sa pinakamalalakas sa mundo.

Exit mobile version