Bago ang inaabangang French Open debut niya sa main draw, rarampa muna si Alex Eala sa Italian Open sa Rome mula May 6–18 bilang huling ensayo para sa Roland Garros.
Hindi na kasali si Eala sa Catalonia Open sa Spain, kaya full focus na siya ngayon sa Rome matapos ang laban niya kontra world No. 2 Iga Swiatek sa Madrid, kung saan umabot siya sa second round.
Dating junior doubles champ sa French Open, sabik na ang 19-anyos na Pinay tennis star na makabawi at magpasabog sa Paris sa May 25!