Nagpasabog ng sorpresa sina Alex Eala ng Pilipinas at Nadiia Kichenok ng Ukraine matapos talunin ang ika-apat na binhing tambalan nina Emily Appleton ng Great Britain at Qianhui Tang ng China, 6-4, 6-2, sa unang round ng WTA250 Guangzhou Open doubles na ginanap sa Nansha International Tennis Center sa China.
Matapos mapag-iwanan ng 1-2 sa ikalawang set, bumawi ang Eala-Kichenok duo sa pamamagitan ng limang sunod na puntos para tapusin ang laban sa loob lamang ng 68 minuto, na nagresulta sa isang impresibong straight-set victory.
Bagama’t mas mataas ang ranggo ng kanilang mga kalaban — sina Appleton sa No. 80 at Tang sa No. 69 — napatunayan ni Kichenok (No. 58 sa doubles) at ni Eala (No. 207) na kayang makipagsabayan sa mga bihasang pares. Ang panalong ito ay nagbigay-daan sa kanila tungo sa quarterfinals, at nagsilbing matamis na pagbabalik ni Eala sa doubles scene matapos ang maagang pagkatalo sa Wimbledon kasama si Eva Lys ng Germany noong Hulyo.
