Site icon PULSE PH

Eala at Gauff Pasok sa Quarterfinals ng Italian Open!

Swabeng panalo ang pinakita nina Alex Eala ng Pilipinas at Coco Gauff ng Estados Unidos matapos durugin ang Italian duo na sina Tyra Caterina Grant at Lisa Pigato, 6-2, 6-3, para umabante sa quarterfinals ng women’s doubles sa Italian Open sa Rome.

Hindi umabot ng isang oras at kalahati ang laban — 66 minutes lang — at tuloy-tuloy ang pagdomina nina Eala at Gauff, lalo na sa second set kung saan inangkin nila ang huling tatlong games mula sa 3-all deadlock.

Susunod nilang makakaharap ang isa pang Italian team — sina Sara Errani at Jasmine Paolini, ang third seeds ng torneo, na nanaig kontra kina Leylah Fernandez at Yulia Putintseva, 6-4, 4-6, 10-7.

Samantala, sa singles action, handa na si Jannik Sinner para sa mas matitinding laban bago ang Roland Garros matapos niyang talunin si Jesper de Jong. Si Aryna Sabalenka naman, tuloy ang kampanya para sa kanyang unang titulo sa Rome matapos ang straight-sets win laban kay Marta Kostyuk.

Exit mobile version