Site icon PULSE PH

Dua Lipa nag Sightseeing sa Intramuros Bago ang Big PH Arena Show!

Spotted si Grammy-winning artist Dua Lipa sa Intramuros isang araw bago ang kanyang second concert sa Pilipinas!

Kasama ang boyfriend niyang British actor na si Callum Turner, namasyal sila sa mga iconic spots gaya ng Fort Santiago at San Agustin Church, kung saan napansin sila ng fans na kinilig sa sweet na holding hands moment nila.

Sa gabi naman, tumuloy si Dua sa Toyo Eatery sa Makati, kung saan nakipag-photo-op din siya sa mga Pinoy fans.

Handa nang magpasabog si Dua sa Philippine Arena ngayong Nobyembre 13, anim na taon mula nang huli siyang bumisita. Kasama rin sa Asian tour stops niya ang Tokyo, Taipei, Kuala Lumpur, Bangkok, at Seoul. Kanselado nga lang ang Jakarta show niya dahil sa “unsafe staging” issues.

Patok sa fans ang mga hits niya gaya ng “Don’t Start Now,” “New Rules,” “Levitating,” “One Kiss,” at “Dance the Night!”

Exit mobile version