Isang 62-anyos na Grab driver, si Crisanto, natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Quezon City kahapon ng umaga. Ayon sa mga awtoridad, wala siyang mga sugat at mukhang walang foul play.
Nakita ng isang saksi si Crisanto na naka-slump sa upuan ng driver, kaya’t pinilit nilang buksan ang kotse. Posible umanong heart attack ang sanhi ng kanyang pagkamatay, ayon sa mga kasama sa trabaho.
