PULSE PH

Dragon’ Lumipad sa No. 1! ‘28 Years Later’ Humahabol sa Box Office!

Wagi pa rin sa takilya ang live-action reboot ng “How to Train Your Dragon”, na kumita ng $37 milyon sa ikalawang linggo nito sa North America! Bida rito si Hiccup (Mason Thames), isang Viking na naging BFF ng dragon na si Toothless. Family-friendly vibes? Check. Patok sa audience? Double check!

Humabol naman sa ikalawang pwesto ang zombie sequel na “28 Years Later” na may $30 milyon, kahit halos dalawang dekada na ang pagitan mula sa huling pelikula nitong “28 Weeks Later.” Ayon sa mga eksperto, solid na opening ito para sa isang horror threequel—at triple pa raw sa kita ng huling installment!

Pero ang medyo nakakagulantang? “Elio” ng Pixar! Kumita lang ng $21 milyon kahit may budget na $150 milyon. Ayon kay David A. Gross ng Franchise Entertainment Research, ito ang pinakamahinang theatrical debut sa kasaysayan ng Pixar, kahit maganda ang mga review.

Samantala, “Lilo & Stitch” live-action remake ay patuloy ang tagumpay—may dagdag na $9.7 milyon sa ikalimang linggo, at halos $910 milyon na ang kinita worldwide!

Nasa fifth spot naman ang “Mission: Impossible – The Final Reckoning” na may $6.6 milyon at total haul na $540 milyon globally.

Iba pang nasa Top 10:

  • Materialists – $5.8M
  • Ballerina – $4.5M
  • Karate Kid: Legends – $2.4M
  • Final Destination: Bloodlines – $1.9M
  • Kuberaa – $1.8M

Exit mobile version