Site icon PULSE PH

Drag Artist na si Jiggly Caliente, Pumanaw sa Edad na 44!

Kinumpirma ng pamilya ni Jiggly Caliente ang kanyang pagpanaw ngayong araw. Sa isang pahayag sa verified Instagram account ni Jiggly, sinabi nila:

“Lubos naming ikinalulungkot ipaalam ang pagpanaw ni Bianca Castro-Arabejo, kilala ng marami bilang Jiggly Caliente. Pumanaw siya nang mapayapa noong Abril 27, 2025, alas-4:42 ng umaga, kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.”

Si Jiggly, ipinanganak noong Nobyembre 29, 1980, ay nakilala sa mundo ng drag performance. Una siyang sumikat sa 2011 season ng RuPaul’s Drag Race at bumalik bilang All-Star noong 2021. Taong 2022 naman nang maging resident judge siya ng Drag Race Philippines.

Ang malungkot na balita ng kanyang pagpanaw ay sumunod lamang ng dalawang araw matapos ibalita noong Abril 25 na na-amputate ang malaking bahagi ng kanyang kanang binti dahil sa matinding impeksyon. Inanunsyo rin noon ng kanyang pamilya na hindi na siya makakasama sa nalalapit na bagong season ng Drag Race Philippines.

Hindi lang basta performer si Jiggly — isa siyang icon na nagbigay inspirasyon sa marami. Paalam sa isang tunay na bituin.

Exit mobile version