PULSE PH

DOTr, Pinapabilis ang Fuel Subsidies Para sa PUV Drivers

Pinabilis ng Department of Transportation (DOTr) ang pagproseso ng fuel subsidies para sa mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Transport Secretary Giovanni Lopez, nakumpleto na ang memorandum of agreement at iba pang dokumento para makuha ang Notice of Cash Allocation (NCA) mula sa Department of Budget and Management (DBM). Kasabay nito, hinihintay din ng DOTr ang certification mula sa Department of Energy (DOE), na nakatakdang matapos sa Marso 30.

Ani Lopez, kapag nakumpleto na ang sertipikasyon, handa na ang gobyerno na ipamahagi ang aktwal na pondo bilang subsidy. Kasalukuyang inaasahan ng DOE na tataas ang presyo ng diesel ng hanggang P24.25 kada litro, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng P7–P13 kada litro sa linggong ito.

Exit mobile version