Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang “12 Days of Christmas” promo na nag-aalok ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-2 at LRT-1 para sa iba’t ibang sektor sa Metro Manila.
Araw-araw mula Dec. 14 hanggang Dec. 25, may nakatalagang grupo na maaaring mag-avail ng free rides:
- Dec. 14: Senior citizens
- Dec. 15: Students
- Dec. 16: OFWs at kanilang pamilya
- Dec. 17: Teachers at health workers
- Dec. 18: Persons with disability (PWDs) at male passengers
- Dec. 19: Government employees
- Dec. 20: Female commuters
- Dec. 21: Families
- Dec. 22: Solo parents at LGBTQIA+ community
- Dec. 23: Private sector employees at household workers
- Dec. 24: Uniformed personnel, veterans at kanilang pamilya
- Dec. 25: Lahat ng pasahero ay libre
Layunin ng programa na magbigay-ginhawa ngayong Pasko at pasalamatan ang iba’t ibang sektor na patuloy na nagbibigay serbisyo sa bansa.
