Handa na ulit kiligin ang fans! Inanunsyo ngayong araw ng GMA Network at ABS-CBN na bibisita si Donny Pangilinan sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa post ng Pinoy Big Brother Facebook page, may caption na:
“SUPRISE! Bumisita ang New Gen Matinee Idol, Donny Pangilinan sa Bahay ni Kuya!”
Sa TikTok post naman ng Star Magic, ikinuwento ni Donny ang nararamdaman niya bago pumasok sa Bahay ni Kuya.
“Excited lang ako. Hindi ko alam ang i-e-expect ko, which is a good thing. Gusto ko mas makilala ‘yung mga housemates… pati sarili ko,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Anything goes daw, kaya ine-expect ko ang mga hindi inaasahan!”
Hindi pa malinaw kung sandali lang ang pagbisita ni Donny gaya ng kay Sanya Lopez na sumali lang sa isang dating game, o kung mananatili siya ng ilang araw tulad nina Korean star Kim Jisoo, Ivana Alawi, Michelle Dee, at BINI’s Jhoanna at Stacey. Pati sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi, nag-stay din recently sa loob ng bahay.
Abangan kung anong pasabog ang dala ni Donny sa loob ng Bahay ni Kuya!
