Usap-usapan na nililigawan ni Dominic Roque si Sue Ramirez matapos silang makita na magkasama at nagkikiss sa Siargao, ayon kay Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.
Kwento ni Ogie, boto raw ang mommy ni Dominic kay Sue at nagpapadala pa ito ng pagkain sa aktres! “Nakikiligaw na rin ang mommy?” tanong pa ni Mama Loi, co-host ni Ogie. “Oo, pero nanliligaw pa lang si Dominic. Siyempre, tinitimpla pa ni Sue matapos ang hiwalayan nila ni Javi Benitez,” paliwanag ni Ogie.
Sa ngayon, kinumpirma ni Javi na hiwalay na sila ni Sue matapos ang limang taon nilang relasyon.