Site icon PULSE PH

Dominic Nag Move On na sa Breakup Kay Bea: ‘OK na OK Ako, Masaya Pa!

Masaya na ngayon ang dating aktor at content creator na si Dominic Roque ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng dating fiancée na si Bea Alonzo.

Mukhang naka-move on na nang bonggang-bongga si Dom matapos ang kontrobersiyal at maintrigang breakup nila ni Bea tatlong buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Dominic, maayos at mabuti naman ang pakiramdam niya bilang single muli at patuloy na nagpapakatatag sa gitna ng mga hamon na kanyang kinakaharap.

Sa isang interview sa Kapuso news program ng GMA na “Saksi,” kinumusta si Dominic pagkatapos ng kanilang trending at viral breakup ni Bea.

Ang maikling tugon ni Dom, “I’m okay. Yeah, I’m happy, actually. Everything is okay.”

Aniya, habang nasa proseso ng pagmu-move on, nag-focus siya sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo pati na ang paggawa ng contents sa kanyang social media account.

“Yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also,” dagdag pa ni Dominic. “I’ve been doing contents for myself, for my social media, and I’ve been going around for the Philippine group na motorcycle,” dagdag pa ng dating dyowa ni Bea.

Samantala, isa pa sa naitanong kay Dominic ay ang tungkol sa pinag-usapang lock screen ng kanyang cellphone na talaga namang nilagyan ng malisya ng netizens.

Exit mobile version