Magkasamang naispatan sina Sue Ramirez at Dominic Roque sa island-hopping adventure sa Siargao, pero tikom pa rin ang kanilang bibig tungkol sa kumakalat na dating rumors.
Sa isang viral post ni local tour guide Sherwin Cartatibo, makikitang kasama sina Sue at Dominic sa grupo, pero nagbiro siyang “friends lang” ang lahat para hindi mawalan ng tip. May nag-comment pa na siya ang “tulay ng pag-iibigan,” na sinagot niya ng “mahabang tulay.”
Matatandaang may mga haka-haka na nililigawan ni Dominic si Sue matapos ang viral kissing video nila, lalo na’t parehong single ang dalawa ngayon. Pero sa ngayon, parang Siargao vibes muna ang sagot nila sa intrigang ito!