Site icon PULSE PH

DOJ, Pinadalhan ng Subpoena ang may Kaugnayan sa mga Nawawalang Sabungeros!

Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapadala ng subpoena kina negosyanteng Charlie “Atong” Ang, aktres Gretchen Barretto, at iba pang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Ayon kay DOJ Asec. Jose Dominic Clavano IV, nasa 59 hanggang 60 respondents ang pinadalhan ng subpoena, kabilang ang dating NCRPO chief Gen. Jonnel Estomo at 18 pang pulis. Dahil marami sila, tuloy-tuloy pa raw ang personal na paghahatid ng mga dokumento.

Kinasuhan sina Ang, Barretto, at iba pa ng multiple murder at serious illegal detention ng pamilya ng mga sabungero. Mariin naman nilang itinatanggi ang paratang.

Inatasan ng DOJ ang mga respondents na humarap sa preliminary investigation ng panel of prosecutors, na siyang magpapasya kung may kasong isasampa sa korte.

Bukod dito, inilabas na rin ang immigration lookout bulletin order laban sa kanila, ibig sabihin ay imo-monitor ang kanilang paglabas-pasok sa bansa — ngunit hindi pa rin sila tuluyang pinagbabawalan makaalis ng Pilipinas.

Exit mobile version