Hindi mapipigilan! Pumasok na si 10-time champion Novak Djokovic sa quarterfinals ng Australian Open matapos talunin ang Czech na si Jiri Lehecka, 6-3, 6-4, 7-6 (7/4), sa Rod Laver Arena.
Bitbit ang misyon na makuha ang kanyang ika-25 Grand Slam title, ang 37-anyos na Serbian legend ay umabot sa quarterfinals ng Melbourne Park sa ika-15 pagkakataon—pantay na kay Roger Federer, at isa angat kina Rafael Nadal at John Newcombe.
Si Djokovic, na may 61 quarterfinal appearances sa majors, tatapatan sa Martes ang 21-anyos na third seed na si Carlos Alcaraz. Ang Spanish phenom ay apat na beses nang nanalo ng Grand Slam pero hindi pa nakakalampas sa quarterfinals ng Australian Open.
“Handa ako, at alam ko na kung ano ang gagawin,” ani Alcaraz tungkol sa kanilang sagupaan. “Kapag siya’y naglalaro, parang bumalik sa kabataan. Nakakabilib!”
Magkaibang kwento ang dala ng dalawa sa kanilang head-to-head record. Lamang si Djokovic, 4-3, pero dalawang beses nang tinalo ni Alcaraz ang Serb sa Wimbledon finals.
