Tumaas na ang presyo ng Netflix subscription sa Pilipinas! Mula 12% naging 13.5% ang increase dahil sa Republic Act 12023, na nagpatupad ng 12% VAT sa mga foreign digital service providers.
Ngayon, ang basic plan ay P279, standard plan P449, at premium plan P619 kada buwan. Ang pagbabago ay epektibo na sa mga bagong subscribers, habang ang mga existing subscribers ay makakakita ng adjustments sa kanilang bill simula June 1.
Huwag mag-alala, hindi lang Netflix ang nagtaas ng presyo—ang ibang streaming services ay nagpatupad din ng price hike dahil sa VAT.
Habang patuloy na tumataas ang mga subscribers, ang Disney+ ay nakarating na sa 126 million subscribers, nadagdagan ng 1.4 million mula sa nakaraang quarter, bagamat malayo pa ito sa 300 million ng Netflix.
