Site icon PULSE PH

Dingdong Dantes sa Halalan 2025: ‘Wag Lang Puro Paandar, Mag-Research Din!

Habang papalapit ang kampanya para sa midterm elections, mas marami nang artista ang makikitang aktibo sa politika—bilang kandidato, endorser, o performer. Pero para kay Dingdong Dantes, dapat mas maging mapanuri ang mga botante.

Naging usap-usapan online kung dapat bang pasukin ni Dingdong ang politika, pero natawa lang siya at sinabing:
“Huwag natin ibalik sa akin, doon tayo sa mga tumatakbo talaga. Ang tanong: Ano ang tunay nilang intensyon? Gaano ito kapuro? At may kakayahan ba sila?”

Ayon sa kanya, nasa kamay ng publiko ang tamang pagpili.
“Let’s be more discerning. ‘Wag lang puro fanfare, mag-research din. Alamin kung tunay na deserving ang mga kandidato—artista man o hindi.”

Dingdong at Marian’s Checklist sa Pagpili ng Lider

Sa isang interview, ibinahagi ni Dingdong at ng asawa niyang si Marian Rivera ang tatlong dapat isaalang-alang sa pagboto:
Integrity ng kandidato
Track record o nagawa sa publiko
Empathy o malasakit sa tao

Bagamat may mga lumulutang na balita noon tungkol sa kanyang pagtakbo, sinabi ni Dingdong na mas marami pa siyang kailangang gawin sa kanyang kasalukuyang role bilang aktor, asawa, at ama.

Public Service Hindi Lang sa Politika

Para kay Dingdong, may ibang paraan ng pagseserbisyo sa bayan—tulad ng pagiging Lieutenant Commander sa Philippine Navy Reserve at pagiging chairman ng AKTOR: League of Filipino Actors.

“Kahit sa pagiging reservist, may public service na. Hindi full-time, pero nagagawa ko nang maayos at committed ako rito.”

AKTOR: Mas Malawak na Tulong sa 2025

Malaking taon ang 2025 para sa AKTOR dahil ilulunsad ang kanilang pinakamalaking proyekto—ang AKTOR Database, isang online platform para sa mga artistang Pilipino na parang LinkedIn ng showbiz.

Bukod dito, nakikipag-collab ang AKTOR sa MOWELFUND at PhilHealth para sa libreng check-ups, HMO packages para sa mga freelance actors, at edukasyon sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Ayon kay Dingdong:
“Gusto naming lahat ng AKTOR ay hindi lang proud sa pagiging aktor, kundi maging professional at community champion din.”

Exit mobile version