Site icon PULSE PH

Dia Maté, Panalo sa Reina Hispanoamericana 2025!

Pinatunayan ni Dia Maté na siya ang reyna ng gabi matapos masungkit ang Reina Hispanoamericana 2025 crown sa Bolivia noong Lunes, Pebrero 10 (Manila time).

Tinalo ng Pinay beauty queen ang mahigit 20 kandidata mula sa mga bansang may Hispanic influence, at kinoronahan mismo ng 2024 titleholder na si Maricielo Gamarra ng Peru.

Hindi lang korona ang naiuwi ni Maté—bago pa man ang finals, nagpakitang-gilas na siya at nasungkit ang Best National Costume (Mejor Traje Típico) award.

Si Maté ay napili bilang kinatawan ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2025 matapos lumaban sa Miss World Philippines 2024 noong Hulyo.

Exit mobile version