Balik-ring na si Manny Pacquiao! Pagkalanding niya sa Los Angeles, deretso agad sa Wild Card Gym para makipag-reunion sa longtime coach na si Freddie Roach.
Matapos ang huling laban niya noong 2021 at sablay sa Senado, gusto ulit ni Pacman ng world title — this time, laban sa mas batang WBC champ na si Mario Barrios.
“Don’t worry about it,” sagot ni Manny nang tanungin tungkol sa 16-year age gap nila.
Si Barrios, 30, ay mas bata, mas matangkad, at aktibo. Pero si Pacquiao, may karanasang hindi matutumbasan — lalo’t kasama pa si Roach, ang tandem na may ilang dekadang panalo sa boxing history.
Kahit may duda ang iba, kampante si Manny. Target niya: maging kamukha ni George Foreman na naging kampeon ulit sa edad na 45.
Tila imposible? Eh ‘di tignan natin. “We’ll see,” sabi niya.