Site icon PULSE PH

DFA: Dalawang Pilipino, namatay sa digmaan sa Israel.

Sa isang pahayag, ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Miyerkules na dalawang Pilipino ang namatay sa gitna ng armadong tunggalian sa pagitan ng Israel at ang Palestinian group na Hamas.

“Kinukundena ng Pilipinas ang pagpatay sa dalawang Pilipinong mamamayan at lahat ng iba pang aktong terorismo at karahasan bunsod ng mga aksyon ng Hamas laban sa Israel,” ani Manalo sa isang tweet.

“Ang Pilipinas ay handang makipagtulungan sa iba’t ibang bansa tungo sa isang pangmatagalang solusyon sa alitan, alinsunod sa mga naaangkop na Resolusyon ng Konseho ng Seguridad ng UN at sa pangkalahatang prinsipyo ng pandaigdigang batas,” dagdag niya.

Hindi pa ibinibigay ni Manalo ang iba pang mga detalye tungkol sa dalawang nasawi, ngunit ayon sa opisyal ng ugnayang panlabas, patuloy na magbibigay ang gobyerno ng Pilipinas ng lahat ng posibleng tulong sa mga Pilipinong nanganganib sa Israel at Palestine.

Exit mobile version