Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pansamantalang suspensyon ng deployment ng OFWs papuntang Iran, Israel, Jordan, at Lebanon dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon sa DMW, naapektuhan ang biyahe ng mga OFW dahil sa pagsasara ng airspace sa Jordan at peligro sa ibang bahagi ng Middle East.
Kahit “encouraged” lang sa advisory, malinaw ang babala ni DMW Secretary Hans Cacdac: may parusa sa agencies na hindi susunod.
Ilan nang OFW ang stranded, tulad ng walong manggagawa sa Jordan na naipit sa Dubai at pinauwi ng DMW noong June 17.
Ang mga recruitment agencies ay inatasang aktibong makipag-ugnayan sa employers, i-monitor ang welfare ng mga manggagawa, at sagutin ang gastos kung sakaling ma-cancel o ma-reroute ang biyahe.