Pasabog ang Golden Globes 2025 nang gumawa ng kasaysayan sina Demi Moore at Fernanda Torres sa kani-kanilang Best Actress wins.
Si Moore, sa wakas, nanalo ng kanyang unang malaking acting trophy bilang Best Actress – Comedy/Musical para sa “The Substance.” Sa kanyang speech, inamin niyang hindi niya inasahan ang tagumpay na ito, lalo na’t sa 45 taon ng pag-arte, ngayon lang siya kinilala.
“Sinabi sa akin noon ng isang producer na isa akong ‘popcorn actress’—pwede sa box office pero hindi sa awards. Pinaniwalaan ko ‘yun, at halos sumuko na ako. Pero dumating ang script ng ‘The Substance’ na sobrang out-of-the-box at bonkers, at binago nito ang lahat,” ani Moore.
Samantala, si Fernanda Torres ang kauna-unahang Brazilian na nanalo ng Best Actress – Drama para sa political bio-drama na “I’m Still Here.” Kasama sa pelikula ang kanyang ina, si Fernanda Montenegro, na dating nominado rin sa Golden Globes 25 taon na ang nakalilipas.
“Para sa akin, patunay ito na kahit sa pinakamahirap na panahon, ang sining ay nagtatagal,” ani Torres habang inaalay ang award sa kanyang ina.
Ang tagumpay ng dalawa ay nagbigay-inspirasyon sa industriya, kahit na ang gabi ay dominado ng “Emilia Perez” at “The Brutalist” sa pelikula, at “Shogun” sa TV.