Umarangkada si Anthony Davis na may 31 puntos at 14 rebounds, samantalang may 21 puntos si LeBron James sa panalo ng Lakers kontra Pelicans, 104-99. Rookie Dalton Knecht nagdagdag ng 27 puntos para sa Lakers, na ngayon ay may 5-game win streak.
Sa Boston, sinelyuhan ni Jayson Tatum ang panalo ng Celtics laban sa Raptors, 126-123, gamit ang isang buzzer-beater 3-pointer sa overtime.
Sa ibang laro, clutch free throws ni LaMelo Ball ang nagbigay ng panalo sa Hornets laban sa Bucks, 115-114, habang si Giannis Antetokounmpo ay nagpakitang-gilas ng triple-double ngunit kinapos.
Sa Dallas, pinangunahan nina Kyrie Irving at Daniel Gafford ang panalo ng Mavericks laban sa Spurs, 110-93. Absent si Victor Wembanyama dahil sa injury, na nagdulot ng mas malaking hamon para sa San Antonio.
