Mula sa pagsisilbi ng pagkain hanggang sa pagsilong sa finish line bilang kampeon! Dating waiter sa Pagsanjan, Laguna si Joseph Javiniar, pero kahapon, siya na ang bida sa MPTC Tour of Luzon: Great Revival.
Sa edad 24, solo niyang tinapos ang 160.6-kilometrong Stage 5 mula Clark-to-Clark sa loob ng 3 oras, 29 minuto, at 20 segundo — habang iniwan niya sa likod sina Jonel Carcueva at Marc Ryan Lago ng halos 42 segundo!
Hindi man natuloy ang pangarap niyang maging pulis, binigyan naman siya ng bisikleta ng bagong direksyon. “Pangarap naming lahat ang maging kampeon. Isa ako doon,” ani Javiniar. At kahapon, isa siyang patunay na kayang abutin ang pangarap basta pursigido.