Kasaysayan ang naisulat ng mga Pilipinong runner sa Tokyo Marathon matapos mabasag ang 22-taong national record sa marathon na hawak ni Eduardo Buenavista.
Nauna si Sonny Wagdos na nagtala ng 2:14:32 (58th place), kasunod si Richard Salano na may 2:15:08 (68th place). Nalampasan nila ang dating rekord na 2:18:44 na itinakda ni Buenavista noong 2004 sa Japan.
Sa women’s side, nagningning din ang mga Pinay. Si Artjoy Torregosa ay nagtala ng 2:33:54 (26th place) at binasag ang siyam na taong rekord ni Mary Joy Tabal na 2:43:31 noong 2016. Sumunod si Christine Hallasgo na may oras na 2:42:13 (43rd place).
Malapit din sa dating marka si Arlan Arbois Jr. matapos magtala ng 2:19:56.
Pinangunahan ng Tadese Takele ang karera sa oras na 2:03:37.
Sa social media, nagpahatid ng pagbati si Buenavista sa mga bagong record-holder. Maging si Tabal ay nagpaabot din ng congratulations sa mga atletang nagdala ng bagong karangalan sa bansa.
