Site icon PULSE PH

DA: Walang Hoarding ng Sibuyas!

Walang ebidensya ng hoarding ng sibuyas ang nakita matapos ang inspeksyon sa mga cold storage facilities sa buong bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa ulat ng Bureau of Plant Industry, nasa 500 metric tons lang ng pulang sibuyas ang nakaimbak sa mga warehouse, karamihan ay matatagpuan sa Southern Tagalog at Central Luzon.

Matatandaang iniutos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang inspeksyon sa mga storage facilities dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa merkado.

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, kasalukuyang nasa 30 metric tons ang local harvest, pero aasahan ang peak harvest season mula Marso hanggang Abril, kung saan inaasahang 145,000 MT ng pulang sibuyas at 35,000 MT ng puting sibuyas ang aanihin.

Dagdag pa niya, maliit lang ang 4,000 MT na imported bulbs kumpara sa inaasahang ani.

“Karamihan sa imported na sibuyas ay galing sa China at darating na ngayong linggo,” sabi ni De Mesa.

Exit mobile version