Stephen Curry muling nagpasiklab sa 52-point explosion para sa Golden State Warriors laban sa Memphis Grizzlies, 134-125. Umulan ng tres mula kay Curry, pasok ang 12 three-pointers—kulang na lang ng dalawa para mahigitan ang record ni Klay Thompson na 14 threes sa isang laro!
Pero ang mas wild? Nikola Jokic nag-career-high ng 61 points, may triple-double pa (10 rebounds, 10 assists), pero talo pa rin ang Denver Nuggets sa double-overtime thriller kontra Minnesota Timberwolves, 140-139!
Kahit 37 anyos na, patuloy ang pagliyab ni Curry. Sabi nga ni Warriors coach Steve Kerr, “Incredible!”
Samantala, masakit na pagkatalo para kay Jokic at Denver kahit naglaro siya ng pang-MVP. Ganito na ba kahigpit ang laban sa NBA ngayon?
