Site icon PULSE PH

Cup of Joe, Pasok sa Global Charts!

Isang umaga, nagising na lang ang Cup of Joe na parang may multong good vibes—bakit kamo? Eh kasi pumasok ang kanta nilang “Multo” sa Spotify Global Chart sa #28—ang pinakamataas na narating ng kahit anong OPM track sa buong global rankings! Historic! 🎉

Hindi lang ‘yan—sila rin ay pasok sa Spotify Global Top Artists sa #182, habang ang Multo ay may halos 20 million views na across versions sa YouTube. Sa Apple Music, #1, at sa Billboard Philippines Hot 100, #2.

Para makapasok sa ganitong global level, kailangan ng mahigit 2.5 million streams kada araw—ibig sabihin, kasabayan na nila sina Billie Eilish, Bruno Mars, Lady Gaga, Bad Bunny at iba pang bigatin. Ang lupet, ‘di ba?

Ang Cup of Joe ay binubuo nina Gian Bernardino at Rafa Ridao (lead vocals), Gab Fernandez (lead guitar), CJ Fernandez (rhythm guitar), at Xen Gareza (keyboard). Si Rafa rin ang nagsulat ng kanta.

Mula sa simpleng high school band sa Baguio anim na taon na ang nakaraan, bigla silang naging global stars. Totoo nga ang kasabihang libre lang mangarap—pero minsan, hindi libre ang kilig pag natupad na ito!

Exit mobile version