Usap-usapan ngayon ang aktres na si Cristine Reyes matapos siyang mamataan kasama ang dating National Youth Commission (NYC) chairman Gio Tingson—at agad itong nagpasiklab ng tsismis na may bago na siyang pag-ibig!
Ayon kay Ogie Diaz, mukhang naka-move on na si Cristine mula sa ex niyang si Marco Gumabao, kaya raw nagsimula na siyang makipagkita kay Gio. Kwento pa ni Ogie, si Gio ay dating strategist ni Sen. Bam Aquino noong eleksyon, habang si Cristine naman ay supporter ni Sen. Imee Marcos.
“Lagi raw silang nagkikita… feeling ko move on na si Cristine,” ani Ogie. Wala pa mang kumpirmasyon, matagal nang usap-usapan ang hiwalayan nila ni Marco, lalo na nang mag-unfollowan sila sa Instagram nitong Abril. May mga pictures na rin si Marco na nawala sa feed ni Cristine, pero andun pa rin si Cristine sa account ni Marco.
Samantala, si Marco naman ay napabalitang namataan kasama si Barbie Imperial sa Makati. Pero linaw ni Ogie, magkamag-anak ang dalawa at si Barbie ay nali-link pa rin kay Richard Gutierrez.