Nagbigay ng maanghang na pahayag si dating US President Donald Trump: pinakiusapan niya ang Russia na itigil na ang pag-atake sa Ukraine — at sinabing posible raw na handa na si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na isuko ang Crimea para sa kapayapaan.
Galing pa sila sa meeting sa Vatican kung saan sinabi ni Trump na “maayos” daw ang usapan nila. Nang tanungin kung willing si Zelenskyy na ibigay ang Crimea, sagot niya: “I think so. Crimea was 12 years ago.”
Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon na ibunton ang sisi kay dating Pangulong Obama at kay President Biden: “Talk to Obama and Biden about Crimea. This is Biden’s war, not mine.”
Sa gitna ng patuloy na tensyon, pinalutang din ang ideya ng isang peace deal kung saan papayagan na ng Amerika ang pagkontrol ng Russia sa ilang bahagi ng Ukraine—pero iba ang panukala ng mga Europeo at mismo ni Zelenskyy: ceasefire muna, saka usap sa teritoryo.
