Tuloy ang bakbakan sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong araw sa PhilSports Arena, kung saan parehong titiktik sa top seed ang Creamline at Petro Gazz bago pumasok sa crucial qualifying playoffs.
Isang straight-set na panalo kontra Galeries Tower sa kanilang 4 p.m. matchup ang kailangan ng Cool Smashers para awtomatikong masungkit ang No. 1 spot sa knockout qualification phase na magsisimula sa Huwebes.
Kung makuha nila ito, haharapin ng Creamline ang 12th seed matapos ang preliminaries—na maaaring Capital1 (1-10), Galeries Tower (1-9), o Nxled (1-9)—para sa isang pwesto sa best-of-three quarterfinals.
Matapos ang 10 sunod na panalo, nadiskaril ang Creamline nang matalo sa PLDT, 30-28, 25-21, 23-25, 18-25, 16-14, noong Sabado sa Antipolo. Pero ayon kay coach Sherwin Meneses, nakabangon na sila mula sa pagkatalo.
“Naka-recover na kami,” ani Meneses.
Samantala, target naman ng Petro Gazz na pahabain ang kanilang walong sunod na panalo sa kanilang 6:30 p.m. showdown kontra Nxled.