Site icon PULSE PH

Content Creators, Level Up! May Sarili Nang Free TV Channel!

Inilunsad ng mga social media stars ang Geng Geng Network sa Free TV D8TV Channel 31! Kasama rito sina Boss Toyo, Rendon Labador, Whamos, Tukomi Brothers, Ava Mendez, at marami pang iba.

“Matagal na naming pinaplano ito, pero ngayon lang natuloy sa tulong ng D8TV,” ani Boss Toyo. Target nila ang mga audience na walang internet, lalo na sa probinsya. “Hindi lahat may internet, pero may satellite na abot hanggang 50 million. Kaya dito namin ipapalabas ang mga pinaghirapan naming shows,” dagdag niya.

Kasalukuyang umeere na ang “Bigayan na with Boss Toyo” at “Pinoy Pawn Stars,” kasunod ang iba’t ibang palabas tulad ng “OFW Diaries,” “Moto Vated,” at “Geng Geng News.” Abangan pa ang ibang programa at kung paano maging parte ng network!

Exit mobile version