Malaki ang lamang ni Quezon City 5th District Congressman Patrick Michael “PM” Vargas laban sa kanyang kalaban na si businesswoman Rose Nono Lin, ayon sa pinakabagong survey ng HKPH Public Opinion and Research Center na isinagawa mula Marso 18-22, 2025, sa tulong ng Hong Kong-based Asia Research Center (ARC).
Sa survey, nakuha ni Vargas ang 68% suporta mula sa mga botante, habang si Lin ay nasa 25%. Ang natitirang 7% ay hindi pa nagdedesisyon. Ayon kay Steven Su, Program Director ng HKPH-ARC, malinaw na nagpapakita ang resulta ng lumalaking tiwala at suporta kay Vargas.
Magandang indikasyon ang mga numero ng mataas na pag-apruba kay Vargas, na 88% ang nagsabing “excellent” ang kanyang performance, at 90% ang nagtangkang magtiwala sa kanyang liderato. Ipinapakita nito na matibay ang kanyang posisyon at patuloy na lumalawak ang kanyang impluwensya sa distrito.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng 2,500 face-to-face interviews, at may margin of error na ±2% sa 95% confidence level, kaya’t itinuturing itong maaasahan.
Habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 12, 2025, malaki ang tsansa ni Vargas na muling manalo, dala ng mataas na tiwala at solidong track record sa serbisyo publiko.
