Hindi na kailangan ipagpaliban ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) ayon sa Commission on Elections (Comelec), kahit pa ito’y iminungkahi ni Rep. Bienvenido Abante ng 6th District ng Manila. Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ang pagkilos na ito ay makakasira sa mga kasalukuyang paghahanda para sa 2025 midterm elections.
“Delaying the COC filing will have far-reaching implications. Maraming matatamaan,” sabi ni Garcia. Patuloy na itutulak ng Comelec ang nakatakdang petsa ng filing mula Oktubre 1 hanggang 8 upang sapat ang oras para sa printing ng 70 milyong balota.
Nag-file si Abante ng resolusyon upang bigyan ng karagdagang dalawang buwan ang mga kandidato para pag-isipan ang kanilang pagtakbo, ngunit Comelec na ang nagtakda ng kanilang desisyon.
“Kung tatakbo, tatakbo. Kung hindi, hindi,” dagdag ni Garcia.