Site icon PULSE PH

Comelec Tutok sa ‘Ayuda’ – Bawal ang Pulitiko at Tropa!

Opisyal nang nagsimula ngayong araw ang campaign period para sa local candidates sa May 12 elections, at may mahigpit na paalala ang Comelec: Bawal ang pulitiko, kamag-anak, at staff sa pamimigay ng ayuda!

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, titindingan nila kung lehitimong ayuda o pang-vote buying na ang nangyayaring pamamahagi ng financial assistance. “Huwag matigas ang ulo. Sumunod sa patakaran o may kalalagyan kayo.”

Striktong Bawal:

  • Mga kandidato at kamag-anak sa ayuda distribution
  • Campaign posters sa venues ng pamimigay ng ayuda
  • Pamimigay ng anumang tulong mula sa gobyerno 10 araw bago ang halalan (maliban sa medical at burial aid)

Kung may lumabag? Pwedeng ipatigil ng Comelec ang pamimigay ng ayuda sa isang lugar!

Babala sa Illegal Campaigning

Bawal ang campaign posters sa labas ng designated areas
Kung hindi susundin ang abiso sa pag-alis ng illegal posters, may kasunod na kaso!

Sa darating na eleksyon, 18,180 local positions ang paglalabanan, kabilang ang mga gobernador, alkalde, bise-alkalde, at mga konsehal. Ang campaign period ay hanggang May 10, pero bawal mangampanya sa Maundy Thursday, Good Friday, at bisperas ng halalan (May 11).

Exit mobile version