Pinagsabihan ng Commission on Elections (Comelec) si vlogger at kandidato sa pagka-konsehal ng Maynila na si Mocha Uson na tigilan na ang paggamit ng kanyang “sexually suggestive” campaign jingle na “Cookie ni Mocha.”
Makikita sa isang video ng proclamation rally noong Marso 30 si Uson na kumakanta at sumasayaw habang pinapatugtog ang naturang jingle.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, “Iwasan sana ang mga jingle na may double meaning.”
Agad namang sumunod si Uson. “Inatasan ko na po ang aking campaign team na itigil ang paggamit ng nasabing materyales,” aniya sa kanyang sulat sa Comelec.
Hindi na siya sinampahan ng show-cause order dahil lumabas ang jingle bago ipinatupad ang bagong guidelines na nagbabawal sa mga bastos na campaign material.
“Akala namin vote buying lang ang dadami, pati kalaswaan pala,” dagdag pa ni Garcia.
