Ipinatigil ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakdang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa kawalan ng bagong districting law.
Ayon sa Comelec, kanselado muna ang filing na orihinal na itinakda sa Enero 5 hanggang 9 ng susunod na taon. Hindi umano maaaring ituloy ang mga aktibidad kaugnay ng halalan hangga’t hindi naitatakda ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mga bagong parliamentary districts sa rehiyon.
Nauna nang inatasan ng Korte Suprema ang BTA na ipasa ang bagong districting law bago Oktubre 30 upang mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec na maghanda at maisagawa ang parliamentary elections bago Marso 31, 2026.
Hanggang wala pang malinaw na balangkas ng mga distrito, mananatiling nakabinbin ang paghahanda para sa halalan sa BARMM.
