Site icon PULSE PH

Coleen Garcia, Proud Mommy-to-Be sa Baby #2!

Proud na ipinakita ni Coleen Garcia ang kanyang baby bump nitong Linggo habang naka-green bikini sa isang Instagram video. Sa unang bahagi ng clip, kita ang dahan-dahan niyang pagikot para ipasilip ang kanyang lumalaking tiyan.

Mas naging heartwarming pa ang video nang lumapit ang panganay nilang si Amari para halikan ang tiyan ni Mommy. Kasunod nito si Billy Crawford na humalik kay Amari at pagkatapos ay kay Coleen — family love overload!

“Round 2, let’s go!” ani Coleen sa caption. Dagdag pa niya, “More than halfway there! Thank you, Lord, for another blessing. Amari can’t wait to be a big brother!”

Excited na ang buong pamilya para sa bagong miyembro—at syempre, excited na rin kami!

Exit mobile version