Site icon PULSE PH

Coldplay Magreretiro na Matapos ang Dalawang Huling Album!

Inanunsyo ni Chris Martin, frontman ng Coldplay, na magreretiro ang banda matapos ilabas ang kanilang ika-12 album. Sa isang panayam kay Zane Lowe para sa Apple Music, sinabi ni Martin na plano talaga ng banda na gumawa lamang ng 12 albums, kasabay ng nalalapit na paglabas ng kanilang ika-10.

“Gagawa lang kami ng 12 tamang albums, at totoo ‘yan. Pangako,” sabi ni Martin, idiniin na mahalaga ang limitasyong ito upang mapanatili ang mataas na kalidad ng kanilang musika. Biro pa niya, para sa mga kritiko nila, mas konti ang album, mas mabuti.

Ipinaliwanag din niya na gusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga musical heroes tulad ng Beatles at Bob Marley, na may limitadong album pero may kalidad. “Dahil may limitasyon, sobrang taas ng quality control. Kailangan maging halos perpekto ang kanta para mapasama sa album,” dagdag pa ni Martin.

Bagamat magtatapos na sa paggawa ng album, sinabi ni Martin na posible pa ring magkaroon sila ng mga side projects kasama ang kanyang mga bandmates na sina Jonny Buckland, Guy Berryman, at Will Champion.

Sa kabila ng papalapit na pagtatapos, mas masaya raw ang banda ngayon. Ayon kay Martin, ito ay dahil sa kanilang edad, epekto ng pandemya, at mga nangyayari sa mundo—na nagpaparealize sa kanila kung gaano sila kaswerte.

Naunang sinabi ni Martin noong 2021 na maglalabas ang Coldplay ng kanilang final album sa 2025 at magtu-tour na lang matapos iyon, sa halip na gumawa pa ng bagong materyal.

Ang Coldplay ay kilala sa kanilang mga hit songs tulad ng “Viva La Vida,” “Yellow,” at “Fix You.” Nitong Enero, tumugtog sila ng dalawang gabi sa Bulacan.

Exit mobile version