Site icon PULSE PH

Coco Martin, Pinabulaanan ang Isyung Iniwan ang Matagal nang Manager

xr:d:DAFZ9lR5_GE:3,j:3314082599,t:23020806

Pinawi ni Coco Martin ang mga usap-usapan na iniwan na umano niya ang longtime manager na si Biboy Arboleda.

Sa muling pagbubukas ng unang Mang Inasal branch sa Iloilo nitong Linggo, kung saan endorser din siya, diretsahang hinarap ni Coco ang isyu.

“Ay, nako. Ano lang ’yan, chismis lang ’yan,” natatawang sagot ng aktor.
Nang tanungin kung may pagbabago ba sa kanyang pamunuan, iginiit niya: “Wala, wala, wala. Mahal na mahal ko ’yon.”

Kumalat ang balitang hiwalay na sila ni Arboleda matapos mapansing in-unfollow umano ni Coco ang kanyang manager sa Instagram. Gayunpaman, nananatiling naka-follow pa rin kay Arboleda ang girlfriend ni Coco na si Julia Montes.

Exit mobile version