Ibinahagi ni Julia Montes na proud na proud sa kanya si Coco Martin para sa kanyang MMFF movie na “Topakk” kasama si Arjo Atayde.
Ayon kay Julia, si Coco ang nagturo sa kanya ng mga safety tips para sa intense stunts ng pelikula. “Proud siya. Siya rin ‘yung unang nagturo ng safety tips, at nagamit ko lahat ng ‘yun,” ani Julia sa presscon ng “Topakk.”
Bukod sa action scenes, mas excited si Julia dahil sa advocacy ng pelikula. “Maganda ang kwento at purpose ng film. Sa eksena, kailangan focused ka para walang sablay sa galaw,” dagdag niya.
Masaya rin daw siyang makatrabaho si Arjo. “Ang sarap katrabaho ni Arjo, ang galing niya kaya madadala ka sa eksena,” ani Julia.
Ang “Topakk,” mula sa direksyon ni Richard V. Somes, ay tungkol sa dating special forces operative na may PTSD, na sangkot sa pagtulong sa magkapatid na tumatakas mula sa kriminal na grupo.
Ipinakita na ang pelikula sa Locarno Film Festival, kung saan umani ito ng papuri — kabilang ang standout performance ni Arjo na dumalo pa sa international screenings.